Thursday, February 18, 2010

Food Preservation (Pag-iimbak ng Pagkain):Skinless Longganisa


Food Preservation (Pag-iimbak ng Pagkain)
Longganisa is a native sausage (Philippines). The seasonings vary depending on the regional origin. Lucban and Vigan longganisas are garlicky. There is also the sweet longganisa called hamonado. Some are made with beef or chicken, instead of pork. (Ang longganisa ay isang pagkaing Pilipino. Karaniwang matatagpuan sa iba’t-bang rehiyon ng Pilipinas na may kani-kaniyang timpla. May mabawang tulad sa Lucban o Vigan at may matamis o hamonado. May gawa sa karneng baka o manok.


 Things to Remember (Mga Dapat Tandaan) 
•Preserve foods in season  
(Imbakin ang mga pagkaing napapanahon) 
•Work area and utensils should be complete and clean 
(Tiyaking kumpleto at malinis lahat ang mga kasangkapan at kagamitan)
•Avoid exposing the food  for too long  
(Huwag ilantad nang matagal ang mga sangkap)  
•Follow the right cooking time
(Sundin ang tamang bilang ng oras sa pagluluto)
•Write the name and date on the label
(Lagyan ng pangalan at petsa ang inimbak)
•Store the food in cool, dark, dry, clean place
(Itago ang pagkaing inimbak sa malamig, madilim, tuyo at malinis na lugar)


Activity (Gawain): Skinless Longganisa

Instructions (Panuto):
Group activity. Follow the instructions in making skinless longganisa.Magpangkat-pangkat at ang bawat pangkat ay gagawa ng skinless longganisa.

Materials (Mga Kagamitan):  
Hairnet, Apron 
Measuring Cup/Spoon (Panukat – Tasa, Kutsara) 
Grater or Mortar & Pestle (Almires) 
Chopping Board, Knife (Sangkalan, Kutsilyo) 
Mixing bowl (Lalagyan na paghahaluan ng sangkap) 
Tongs, Frying Pan (Pansipit, Kawali) 
Container (Lalagyan), Timer (Orasan) 
Plate (Plato)
                                          
Ingredients (Mga Sangkap):
1 kilo lean ground pork
1   kilong giniling na karneng baboy
2 Tbsp. sugar 
2 kutsarang asukal 
1 Tbsp rock salt or 1 ½ tsp. fine salt 
1 kutsarang asin or 1 ½ kutsaritang asin na pino
2 Tbsp. worcestershire sauce  
2 kutsarang worcestershire sauce  
1 Tbsp. garlic, chopped 
1 kutsarang bawang na dinikdik 
½  tsp. black pepper 
½ kutsaritang pamintang pino 
½ cup moringa, chopped finely or use mortar and pestle 
½ tasa ng malunggay, dinikdik 
½ cup carrot, chopped or grated 
½ tasang karot, ginadgad 

Wrapper (Pambalot): wax paper, 4 ½” x 3” (minimum) or index card size 
Cooking oil (Mantikang pamprito)
Cooking Instructions (Paraan ng Paggawa): 
Blend all ingredients (Paghaluing/pagsamahing mabuti ang lahat ng sangkap) 
Roll 1 ½ tbsp. (kutsara) of the pork mixture in wax paper, close the ends  
(irolyo sa wax paper, isara ang dulo) 
Store in the freezer overnight (Palamigin ng magdamag bago lutuin) 
Unwrap the sausages and fry in batches in hot oil until fully cooked (Tanggalin ang balat bago prituhin) 
Drain on paper towels (Patuyuin sa papel/napkin) 
Makes (Makagagawa) 45-48 longganisas. 
Cooking time (Tagal ng pagluluto), 30 minutes.  

Safety in the Kitchen (Ligtas na Pamamaraan sa Paggawa sa Kusina) 
1. Work area should be well lighted. 
Siguruhing maliwanag ang lugar ng gawain.
2. Read labels. 
Basahin muna ang mga label bago-gumamit ng anumang gamit.
3. Mop wet floors. 
Punasan ang sahig kung basa para maiwasan ang pagkadulas.
4. Always close the drawers and cabinets. 
Laging isasara ang mga drawers o kabinet.
5.Clean sharp utensils separately.  
Ibukod ang paglilinis sa mga kutsilyo o matatalas na bagay. 
6.Use pot holders.  
Gumamit ng makapal na “pot holders” para maiwasan ang pagkapaso. 
7. Keep the match out of children’s reach.  
Ilagay ang mga posporo sa lugar na hindi naaabot ng mga bata. 
8. Don’t use broken utensils.  
Huwag nang gamitin ang mga basag na pinggan o baso upang maiwasan ang pagkasugat. 
9. Use chopping board when peeling fruits or away from you.  
Kung nagbabalat ng prutas, ilayo ito sa inyo o gumamit ng sangkalan. 
10. Use adequate size of cooking pan.  
Gumamit ng kawali na katamtaman ang laki at ayon din sa dami ng pagkaing iluluto.  
11. Use tongs to handle food in hot water or oil.  
Gumamit ng pansipit sa pagkaing nasa mainit na tubig o mantika.

No comments: